Dalawang lalaki, binaril sa Brgy. Manalo; isa, patay

Bumulagta ang isang lalaki matapos barilin sa Bay-Bay, Brgy. Manalo sa lungsod ng Puerto Princesa kahapon, Setyembre 7, ganap na 9:00 ng gabi, habang sugatan naman ang kasama nito.
Kinilala ang mga biktima bilang sina Nelson Bunque, na namatay sa krimen, at Reny Trinidad, 41 anyos, isang construction worker, at parehong residente ng nasabing lugar.
Ayon sa imbestigasyon ng PNP, habang nag-iinuman ang dalawang biktima nang bigla na lamang dumating ang kriminal at nilapitan ang dalawa bago pinaputukan.
Tiinamaan ang 54 anyos na si Nelson sa ulo na siyang nagdulot ng agaran niyang kamatayan. Samantala, isinugod si Trinidad sa ospital.
Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga awtoridad upang malutas ang kaso at mahuli ang hindi pa kilalang salarin.
Exit mobile version