Kalaboso ang isang lalaki na hinihinalang tulak ng ipinagbabawal na gamot matapos matiklo sa ikinasang ‘drug buy-bust operation’ ng mga awtoridad pasado alas 12:40 kaninang tanghali, February 12, 2021, sa Old Buncag, Barangay Mandaragat, Puerto Princesa City.
Kinilala ang suspek na si Ibrahim Mangutara y Usman alyas “Jojo Mangutara”, 35 anyos, may asawa at residente rin sa nabanggit na Barangay. Nakumpiska sa kanya ang dalawang plastic sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu at P1,000 na buy bust money.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous drug Act of 2002.