KAMANDAG 2023, lalahokan ng bansang Japan, USA, UK, Korea, at Pilipinas

Photo from WESCOM

Magpapamalas ng matinding kakayahan ang Philippine Marine Corps (PMC) kasama ang United States Marine Corps (USMC) sa isasagawang joint operation ng Western Command (WESCOM) na may temang “Kaagapay ng mga Mandirigma mula sa Dagat” o “Cooperation of the Warriors of the Sea” (KAMANDAG) Exercise ng 2023. Layunin nito na palakasin ang ugnayan at pagsasamahan ng iba’t ibang pwersa mula sa karatig na bansa.
Sa ika-pitong pagkakataon ng KAMANDAG ay umabot sa higit 2,703 ang bilang ng personnel na magpapakitang gilas at stratehiya mula sa iba’t ibang bansa. Kasama ang 1,732 na tropa mula sa Pilipinas at 856 na marines mula sa 1st at 3rd Marine Expeditionary Forces (MEFs) ng US. Hindi rin nagpahuli ang kinatawan mula sa Japan Ground Self-Defense Force (JGSDF), Republic of Korea Marine Corps (ROKMC), at United Kingdom (UK) Armed Forces.
Mula Nobyembre 9 hanggang Nobyembre 20, 300 marines mula sa Pilipinas at US ang aktibong makikilahok sa iba’t ibang combined interoperability training events sa Camp Rodulfo Punsalang at iba’t ibang lokasyon sa Puerto Princesa City, Palawan. Ang nasabing aktibidad ay magpapakita ng kakayahan at magbibigay daan upang matutunan ng bawat pwersa ang kani-kanilang stratehiya sa isang labanan.
Ayon kay Captain Princess Jude PN(M), Public Affairs Officer ng 3rd Marine Brigade, isa sa mga aktibidad na gagawin ay ang Small Unmanned Aerial Systems kung saan susubokin ang bawat pwersa na gumamit ng radar gamit ang isang Unmanned Aerial Systems.
“For joint training endeavors here at WESCOM, the primary focus area will be on Coastal Defense Training (CDT). This training event will involve Small Unmanned Aerial Systems and simulation exercises on Radar Sensing, and Tracking.”
Dagdag pa nito, ang mga operasyon sa Humanitarian Assistance and Disaster Response (HADR) at iba pang pagsasanay sa medisina ay madalas na isasagawa upang tiyakin ang mabisang koordinasyon sa panahon ng mga krisis.”
Ang KAMANDAG ay naglalarawan ng matibay na ugnayan sa pagitan ng Philippine Marine Corps at United States Marine Corps. Ipinapakita rin nito ang patuloy na pagtutulungan
Exit mobile version