Lalaki, binaril sa mismong tahanan sa Brgy. Masipag

Patay ang isang lalaki matapos barilin ng hindi pa tukoy na kriminal sa kanto ng Valencia at Abad Santos, Barangay Masipag, Puerto Princesa City pasado 8: 45 n.g. nitong Linggo, Oktubre 1.
Kinilala ang biktima na si Arturo Batul Galang, 57 anyos, at landlord/may-ari ng bahay.
Batay sa imbestigasyon, ang biktima ay nasa kanyang tahanan at nanonood ng chess nang lapitan siya ng salarin mula sa likod at nang walang malinaw na dahilan, binaril sa ulo. Agad sumakay ang bumaril sa isang motorsiklo patungo sa Abad Santos Street.
Naisugod pa sa COOP Hospital ang biktima ngunit idineklara rin itong patay ni Dr. Rodney Mendoza.
Exit mobile version