Lalaki, pinatay ng kanyang mga naka-inumang katrabaho

Photo credit Puerto Princesa Police station 2

Patay ang isang lalaki matapos pagsasaksakin sa Sitio Sta. Fe, Barangay Bacungan mga 4:00 p.m. Setyembre 2.

Kinilala ang biktima na si Charlie Geguillan Reyes, 25 anyos, at residente ng Barangay Caruray, San Vicente, Palawan.

Kinilala naman ang dalawang mga suspek na sina Robert Palay at Macario Villion na parehong residente ng Barangay Sta. Cruz. Sa report ng Puerto Princesa Police Station 2, nag-iinum umano ang biktima at dalawang suspek ng magkakasama sa trabaho bilang laborers sa lugar ng magkaroon nang pagtatalo ang mga ito.

At dahil sa nagkapikunan ay dito na inundayan ng saksak ang biktima na nagtamo nang tatlong saksak sa kanyang katawan. Nagawa pa sana ni Reyes na tumakas ngunit hindi na nito kinaya at nalagutan ng hininga sa isang masukal na bahagi sa lugar.

Kaugnay nito, nagsasagawa naman ng imbestigasyon ang pulisya sa ikadarakip ng mga criminal.

Exit mobile version