Naagnas na katawan ng babae, natagpuan sa Brgy. Iwahig

Naagnas na katawan natagpuan sa Barangay Iwahig (Contributed photo).

Naagnas na ang katawan ng isang babae nang ito ay natagpauan ng kanyang live-in partner sa Kilometer 22, South National Highway, Barangay Iwahig, Puerto Princesa.

Nakilala ito na si Juliana Javillana y Patarlas, 34 na taong gulang, may asawa, walang trabaho at residente ng nasabing barangay.

Ayon sa inisyal na report ng mga otoridad, natagpuan ang kanyang katawan mga dakong 12:00 tanghali nitong Sabado, ika-15 ng Disyembre.

Nakita umano ni Marvin Delos, ang live-in partner ni Javillana, na nakadapa ang katawan ng kanyang live-in partner at naaagnas na ito sa loob ng masukal na lugar sa kanilang barangay.

Sasailalim sa autopsy ang labi ng biktima upang malalaman ang naging dahilan ng kanyang kamatayan.

Editor: Tunghayan ang mga dagdag na detalye.

Exit mobile version