Matapos na maabot ng Lungsod ng Puerto Princesa ang 39 na aktibong kaso ng COVID-19 noong Pebrero 23 at noong Pebrero 26 ay nagsimula na ang pag-recovered ng mga nagpositibo sa virus kaya sa ngayon ang lungsod na ang may pinakamababang aktibong kaso nito sa buong MIMAROPA.
Base sa talaan na inilabas kahapon, Marso 5 ng Center for Health Development –MIMAROPA, nangunguna ang lalawigan ng Oriental Mindoro na mayroong 22 aktibong kaso, Occidental Mindoro 8, Romblon 4, Marinduque 3, habang ang Palawan at Puerto Princesa City ay may tag 2 active cases.
Kung matatandaan Pebrero 26, naitalang ng Incident Management Team ang 16 na recoveries, kinabibilangan ng 14 na local cases sa Barangay San Jose na kuniktado naman sa ‘Index Patient’ at 2 Locally Stranded Individuals mula sa Barangay Tagburos.
Sunod na araw, Pebrero 27 ay 5 local cases naman at 1 Authorize Person Outside Residence (APOR) ang tapos narin sa kanilang quarantine.
Noong Merkules naman ay tatlo na lamang ang aktibong kaso ng siyudad dahil mayroong 12 na naitalang recoveries, 9 ang lokal na kaso (close contacts sa Barangay San Jose) at 3 ang Locally Stranded Individuals (LSIs) at kahapon, Marso 5 ay kabilang na sa recoveries ang nag-iisang local case ng lungsod.
Samantala sa ngayon ang Puerto Princesa City ay mayroong 204 na kabuuang kaso ng COVID-19, 2 ang kasalukuyang aktibo, 200 ang recoveries at 2 ang binawian ng buhay dahil sa virus.