Patuloy na pinaghahanap ang suspek na pumaslang sa isang 40 anyos na lalaki na kinilalang si Richard N Dela Cruz, binata, at residente sa Sitio Tagumpay, Brgy. Inagawan Sub., Puerto Princesa City.
Ayon sa imbestigasyon ng Police Station 2, ganap na 10:00AM noong November 17 nang ma-report sa kanila ang insidente at agad rumisponde ang mga awtoridad.
Ayon kay Leo Candido Panizales, papunta siya sa sakahan nang makita niya ang bangkay ng isang lalaki na may sugat sa leeg.
Sa ngayon ay patuloy ang imbestigasyon ng PNP sa pagpaslang sa biktima at upang matukoy ang pagkakakilanlan ng salarin.