Walang katotohanan umano ang kumalat na balita na mayroong isang babae na di umano’y hinalay ng tatlong kalalakihan sa lungsod ng Puerto Princesa. Ito ay matapos na aminin ng dalagita sa PNP na gawa-gawa lang niya ang kuwento upang siya ay pansinin ng kanyang mister.
Bagama’t ito ay nagdulot ng pangamba sa mga residente at kalapit na munisipyo ay agad naman na nagsagawa ng imbestigasyon ang pamunoan ng Puerto Princesa City Police Station 2 upang matukoy kung totoo nga ba ang report patungkol sa nagahasang dalagita.
Ayon sa Puerto Princesa City Police Office, wala umano itong katotohanan at pinabulaanan ang ilang report ng lokal na medya na may isang 21-anyos ang na-rape sa lungsod.
Sa patuloy na imbestigasyon ng Women and Children Protection Desk ng Police Station 2 inamin ni alyas “Gemma” na lahat ng kanyang salaysay sa mga awtoridad ay pawang fabricated lamang o walang katotohanan.
Samantala, binabalaan naman ng mga awtoridad ang publiko na ang pagpapakalat ng fake news ay mayroong karampatang parusa na nakasaad sa ating batas, gayundin ang paggawa ng fabricated stories na magdudulot ng pagkabalisa sa ating mga kababayan.
“We assure everyone that safety remains our top priority and we are working tirelessly to keep our community secure . We also urge everyone to be vigilant and discerning when consuming news online. Verify the sources and refrain from perpetuating unfounded rumors that undermine the peace and stability of our beloved city . Let us combat fake news and fabricated stories and promote a power of fact checking before we hit the share button. Together, we can keep Puerto Princesa City safe!,” pahayag ni PCol. Ronie S Bacuel ng Puerto Princesa City Police.