Magsisimula ng magbanatay ang mga kapulisan sa lungsod ng Puerto Princesa ngayong darating na Linggo, Abril 2, bilang paghahanda sa darating na Holy Week o Semana Santa.
Ayon kay Police Captain Joy Catain Iquin, Assistant CCADU Spokeperson ng Puerto Princesa City Police Office, tatlumpong mga personnel ng PNP ang nakatakdang ideploy sa Mount Calvary sa Barangay Santa Lourdes habang ang ibang PNP naman ay itatalaga sa mga tourist destinations.
“Starting on April 2 (Palm Sunday), mayroon ng security personnel sa mga churches especiallt during mass/services. Maximum deployment of personnel na rin sa mga tourist destinations,” ani Iquin.
“Conduct of mobile patrolling at beaches especially on Easter Sunday. Mayroon ding at least 30 personnel na idideploy sa Mount Calvary from April 6 to 8,” dagdag niya.
Taon-taon, tuwing sasapit ang Holy Week ng mga katoliko ay dinadagsa ang Mount Calvary ng mga deboto mula sa lungsod ng Puerto Princesa maging sa ibang mga kalapit bayan.
Ang Semana Santa ay magsisimula sa Linggo, Abril 2 at magtatagal hanggang Sabado, Abril 3.