TOW WEST, magiging katuwang ng pamahalaan sa lahat ng akitibidad at programa sa mga mamamayan

Nagkaroon ng courtesy call ang TOW West Wing Commander na si Brigadier General Erick Escarcha kay Puerto Princesa City Mayor Lucilo R. Bayron noong Hulyo 12.
Sa maikling pagkikita, ipinangako nito na mananatiling suportado ang Tactical Operations Wing West Philippine Air Force ang lahat ng aktibidad ng pamahalaan, lalo na sa lungsod ng Puerto Princesa at lalawigan ng Palawan, gayundin ang Western Command ng Armed Forces of the Philippines.
Ang TOW WEST ay makikiisa sa gaganaping aktibidad na “Save the Puerto Princesa Bays” ng Pamahalaang Panlungsod bulas, Hulyo 14.
Ayon kay Escarcha, buo ang kanilang suporta sa lahat ng mga programa at aktibidad na isinasagawa ng iba’t-ibang ahensya sa AFP, tulad ng pagpapanatili ng seguridad ng mga mamamayan sa Palawan, at magkakaroon din sila ng exercise sa kanilang reservist force, gayundin sa WPS.
“We continue to support the mission of our Western Command. The Western Command directs us to perform missions primarily aimed at monitoring the areas for any threats or foreign vessels in the area and gathering information. We have also enhanced how we manage our presence and the presence of other vessels in the area. We continue to monitor these areas. Of course, the mission of the AFP is to ensure the integrity of our statement and protect the people,” ani Escarcha.
Nagpapasalamat naman ang opisyal sa mga Palaweños sa patuloy na suporta at paniniwala sa AFP, at magpapatuloy ang kanilang mandato upang protektahan ang mamamayan at teritoryo ng Pilipinas.
Exit mobile version