Wanted dahil sa kasong pang-aabuso, arestado sa Brgy. San Miguel

Nadakip ng mga awtoridad ang  isang lalaki na may kasong paglabag sa Republic Act 9262 o ang Anti-Violence Against Women and their Children Act sa Purok Katarungan, Barangay San Miguel, Puerto Princesa nitong Abril 8, 2021.

Sa inilabas na impormasyon ng Puerto Princesa City Police office, kinilala ang suspek na si Welmer Lladones Solidaga, 35 anyos, walang asawa, helper at residente ng Fernandez Street, Brgy. Maningning, Puerto Princesa.

Inaresto si Lladones sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu ni Judge Jocelyn Sundiang Dilig ng MCTC of Palawan Branch 47, 4th Judicial Region, Puerto Princesa City na may petsang Abril 8, 2021. Itinakda sa Php72,000.00 ang piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Nasa kustodiya ng Puerto Princesa City Police Station 1 ang suspek at nakatakdang iharap sa korte para sa kaukulang disposisyon.

Exit mobile version