Nagkaroon ng Mimaropa Regional Oversight Committee ang Philippine Drug Enforcement Agency-Palawan kasama ang mga opisyal ng walong Barangay sa New City Hall Building, Sta. Monica nitong ika-31 ng Marso sa pangunguna ni Director III Laurefel P. Gabales, PhD.
Walong barangay sa Puerto Princesa ang inihayag na drug cleared. Ito ay: Barangays Inagawan, Mangingisda, Luzviminda, Masikap, Masipag, Princesa, Tagumpay at Babuyan alinsunod sa “Deliberation and Declaration pursuant to Dangerous Drug Board (DDB) Regulation No. 4, Series of 2021, o Strengthening the Implementation of the Barangay Drug Clearing Program.”
Ayon kay Agent Christopher Torres ng Philippine Drug Enforcement Agent Palawan Provincial Office, dapat nakaraang taon pa naisagawa ang pagdeklara sa mga barangay.
“Actually, last year pa dapat ito na naka schedule for Deliberation/ Declaration of Drug Cleared Barangays, unfortunately may mga circumstances na kailangan i-comply so na-delay yung deliberation niya,” ani Torres.
Dagdag pa nito, signify naman ang Local Government Unit ng Puerto Princesa na tuloy-tuloy ang Barangay Communities Rehabilitation Program (BCRP) sa mga natirang barangays para sa drug cleared.
“Sa mga barangay na mayroon list ng drug surrenderee na kailangan sumailalim sa CRP na dapat nakapag-undergo sila ng assessment, drug testing, at wellness program at ‘yon ang kailangan na ma-comply prior to the application, for deliberation.”
Samantala, para mapabilang sa drug cleared ang isang barangay, kailangan mag comply ang isang surrenderee sa Barangay, at kung hindi susunod ito ay hindi qualified ang barangay para madeklara na drug cleared status.
Hinihikayat naman ang mga Barangay Officials na tulong-tulong at bigyan ng pagkakataon ang isang drug surrenderee na magbago at malinis ang kanilang pagkatao sa tulong na rin ng communities rehabilitation program.