Mimaropa PNP, nakahuli ng tatlong high value individuals sa drug operation

Photo Credits to PRO MIMAROPA

Nagkasa ng tatlong anti-illegal drugs buy/bust operation ang mga kapulisan na ikinahuli sa tatlong high-value individuals mula sa Oriental Mindoro at Palawan nitong Lunes ika-20 ng Hunyo.

Sa Barangay Salong, Calapan City sa Oriental Mindoro natimbog sa operation sina Joy Macariola Dinglasan alyas “Ivan”, 34 anyos, at Marigay Bariza Marquez, 40 anyos na residente sa nasabing lugar.

Nakuha sa dalawang suspek ang 10 pakete ng pinaniniwalaang shabu na tumitimbang ng 1.73 grams buy bust money P11,000.00 at paraphernalia.

Habang sa Barangay San Pedro, Puerto Princesa City, Palawan nahuli naman ang tinaguriang high value individual na kinilala na si Robin Troy Roxas alias “Troy”, 22 anyos, ganap na 10:00 AM ng umaga.

Nasamsam sa kanya ang isang pakete ng shabu at 1,500 buy bust money. Nakuha naman sa kanyang pangangalaga ang dalawa pang pakete ng illegal na droga na nagkakahalaga ng P2,500.00, at isang pakete ng ng marijuana.

Sa datos ng PNP Drug-Related Data Integration and Generation System (DRDIGS) ng Regional Operations Division mula ngayong January 2022, nasa 149 anti-illegal drug operations ang sinagawa at nagresulta sa pagka-aresto sa 166 na mga drug suspect. Samantala, nasa 394.362 grams ng shabu at 1,597.441 grams ng Marijuana, na ang nalikom ng mga kapulisan.

Paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 (RA 9165) at sinampa ng PNP. “I commend our anti-drug enforcement operatives for another successful law enforcement operation. May this accomplishment serve as a stern warning for those who are still involved in illegal drug trade that MIMAROPA police will never stop until we eradicate the illegal drugs problem in our region”, saad ni Police Brigadier General Hernia – RPIO MIMAROPA.

Exit mobile version