Bilang ng nagpatala para sa pasukan, mas mababa kumpara noong 2019

Nanatiling mas mababa ang naitalang kabuuang bilang ng enrollees sa lungsod at lalawigan ngayong taon kung ikukumpara sa nakaraang pasukan, base sa pinakahuling datus na ibinahagi ng DepEd-Palawan at DepEd-Puerto Princesa.

Sa pagtatapos ng extension ng enrollment noong July 15, kapwa makikita sa bilang na ilang libo rin ang ibinaba ng mga nagpatala para sa School Year 2020-2021.

Sa buong Lalawigan ng Palawan, ang naitala ng DepEd-Palawan ay 136,481 enrollees sa kindergarten at elementarya, 66,770 sa junior high school (JHS), at 21,732 naman sa senior high school (SHS) o kabuoang bilang na 224,983.

Sa nakaraaang school year 2019-2020, ang nasa talaan ng Division of Palawan ay 153,780 elementarya at kindergarten, 75,800 sa JHS, at 22,098 sa SHS o kabuuang 251,678 enrollees.

Sa Puerto Princesa naman, sa kindergarten ay umabot sa 3,259 ang enrollees, ang Grades 1-6 ay 24,959, ang JHS ay 19,104, ang SHS ay 5,357, habang ang Special Education (SPED) ay 105 o may kabuuang 52,784 na nagpatala. Ang Alternative Learning System (ALS) naman ay nasa 1,540 kumpara sa nakaraang pasukan na 1,828.

Sa last School Year ng lungsod, ang mga nagpa-enrol ay umabot sa 64,075 na ang pinakamalaking bilang ay mula sa elementarya na umabot sa 32,395. Nasa 20,446 naman ang JHS, 6,700 sa SHS, 4,534 sa kindergarten.

“Maybe may mga parents na nag-transfer ng residence, ‘yong ina…hindi pa nakapag-decide na papasukin ang mga anak nila because of [the] pandemic,” ang pahayag ni City DepEd Spokesperson Gina Francisco nang tanungin sa posibleng dahilan ng pagliit ng datus.

Ayon namam sa tagapagsalita ng DepEd-Palawan na si Grace Estefano, ginagawa ng kanilang ahensiya ang lahat nilang makakaya para sa learning continuity ng mga learners, sa pakikipagtulungan ng mga LGU at iba pang stakeholder ngunit ang pagpapa-enrol sa mga anak ay magulang pa rin ang magpapasya.

“Nasa period tayo ng adjustments ng ‘new normal.’ The decision whether to enroll their children or not is in the hands of parents” ayon pa kay Estefano.

Ipinaliwanag din ng Kagawaran na walang sisingiling bayad para sa modules at hindi rin pupunta sa eskwelahan ang mga batang mag-aaral. Bagama’t kamakailan, kinukonsidera ng DepEd na magkaroon ng face-to-face na pagkaklase sa mga low-risk area.

Matatandaang unang naitalang datus ng DepEd-Puerto Princea sa enrollment noong June 1-30 ay 45,948 habang sa DepEd-Palawan naman ay 206,424 mula Hunyo hanggang Hulyo 2.

Exit mobile version