Inaasahan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na ang heat index o damang init sa ilang bahagi ng bansa ay maaaring umabot sa pagitan ng 48°C hanggang 50°C pagsapit ng Abril at Mayo.
Ang heat index ay isang sukatan ng init na nararamdaman ng katawan ng tao kapag pinagsama ang aktwal na temperatura ng hangin at ang halumigmig o humidity. Kapag ang heat index ay nasa pagitan ng 42°C hanggang 51°C, ito ay itinuturing na nasa “danger” level, kung saan posible ang pagkakaroon ng heat cramps at heat exhaustion. Ang patuloy na pagkakalantad sa ganitong kondisyon ay maaaring magdulot ng heat stroke.
Noong mga nakaraang taon, ilang lugar sa bansa ang nakaranas ng mataas na heat index. Halimbawa, noong Mayo 6, 2024, umabot sa 50°C ang heat index sa Clark Airport, Pampanga, habang 32 iba pang lugar ang nakapagtala ng “danger” level na heat index.
Uminom ng sapat na dami ng tubig upang maiwasan ang dehydration.