Presyo ng kandila at bulaklak, inaasahang tataas ngayong Undas

Inaasahang tataas ngayong papalapit na Undas ang mga presyo ng kandila at bulaklak.

Ang presyo ng kandila sa mga sandaling ito ay di pa tumataas sa mga supermarket sa lungsod.

Samantala, ang bentahan naman ng mga bulaklak na mula sa P150 sa ngayon ay posibleng papalo hanggang P200 bawat pag-aayos nito.

Depende rin sa dami at ayos ng bulaklak na aabot sa halangang P500 o higit pa.

Ang mga espesyal naman na uri ng bulaklak ay umaa bot mula P800 o depende rin sa dami at uri.

Kung kayo naman ay naghahanap na makakatipid, meron din namang binebenta na per stem na kung sa ngayon ay nagkakahalaga ng P35 hanggang P40 kada tangkay ay maari pa ring tumaas sa araw ng Undas.

Meron din namang mga nasa paso o vase na pwedeng idagdag sa pag-arrange ng mga bulaklak kung nais niyo ng mas maganda para sa inyong namayapang mahal sa buhay.

Exit mobile version