Masaganang ani para kay Isagani: Pelikula para sa mga magsasaka

Isa sa mga hindi mawawala sa hapagkainan, ay ang kanin. Pilipino na maituturing kung sa umaga hanggang gabi ay may kanin na nakahain sa lamesa.

Kung walang magsasaka na nagbabanat ng buto sa pag-aani sa palayan, walang bigas na maisasaing sa pang araw-araw — dahil kung wala ang magsasaka, gutom ang Pilipinas.

Para sa pagpaparangal sa bawat magsasaka na patuloy umaani at itinataguyod ang buhay, isang pelikula na pinamagatang ISAGANI ang binuo ng mga estudyante mula sa Palawan State University — Bachelor of Arts in Communication kasama ang Bachelor of Science in Information Technology na kanilang inilaban sa PELIKULAGRARYO: Regional Film Festival 2025 ng Department of Agrarian Reform na ginanap sa Balai Isabel, Talisay, Batangas noong ika-23 hanggang 25 ng Hunyo.

Ayon sa Direktor ng pelikula na si Nafha Bonayon, ito ito ay isang kuwento patungkol sa isang pamilya na ang hanapbuhay ay ang pagsasaka, pangarap ng ama ni Isagani na magkaroon ng sariling titulo ng lupa na kalaunan ay ipanagpatuloy ni Isagani hindi lamang para sa kaniyang pamilya kung hindi pati na rin sa kinabukasan ng agrikultura. Ang pamagat na ISAGANI ay mula sa salitang “masaganang ani” na nagbigay buhay hindi lamang sa kuwento kung hindi pati na rin sa karakter na ginampanan ni Curt Pomar — 1st year student ng BA in Communication.

Dagdag pa niya, ito ay hango sa totoong kuwento ng dalawang pamilyang kasama sa Project SPLIT Beneficiaries ng DAR na sina Mr. John Michael Norbe at ang ina ni Mr. Rodulf C. Magbanua, si Norbe ay dating presidente ng samahan ng mga benepisyaryo at nag-impuwensiya sa mga matatanda pagdating sa modern farming. Samantala, naging inspirasyon ang pamilyang Magbanua sa karakter ng ina na si Nanang Isay na kinatawanan ni Gng. Rosalinda Barsanas — isang guro sa elementarya habang, pinanindigan naman ni Ginoong Richard Aranga ang karakter ni Tatang Gabo. Dahil sa mga kuwentong ito, nabuo at nagbigay ng inspirasyon sa mga manonood.

Para sa kanilang grupo, nais nila ipakita na ang kuwento ng mga magsasaka ay hindi lamang dapat marinig kung hindi dapat itong maunawaan, pahalagahan, at may malaking papel ang bawat magsasaka sa pag-angat ng agrikultura sa Pilipinas. Kahit na madalas ay naisasantabi at nakakalimutan, sila ang bumubuhay sa bawat tao sa ating bansa.

Sa likod nang pagsisikap at paniniwala sa kakayahan, tumanggap ng anim na parangal ang kanilang pelikula katulad ng Best Film in Agrarian Reform Beneficiaries, Best Director, Best Actor, Best Cinematography, Best Editing, at Best Screenplay, nasungkit din nila ang tatlong special awards; Best Supporting Actor, Best Music, at Best Teaser (Popularity Choice Award)

Hindi lamang sa rehiyon magpapamalas ng galing sa pagbuo ng pelikula ang kanilang grupo kung hindi pati na rin sa nasyonal
Exit mobile version