Nag-trending kamakailan ang larawan ng mga batang ina na Palaw’an na pinost ni Sen. Risa Hontiveros. Sinabi nito na ang mga batang may karga na mas maliit na bata ay hindi nila kapatid, bagkus ay mga anak na nila dahil maaga itong nagsipag asawa. At ang mga ito ay mga katutubong Palaw’an.
Dinayo ng GMA Magazine TV show na “Kapuso Mo Jessica Sojo” ang tribu sa Brgy. Ransang sa bayan ng Rizal, at sa kanilang kwento na pinalabas nung Marso 8 ay naipakita na totoo nga ang nasabing post ng senadora.
Ang Provincial Maternal Health Nurse na si Jenevil Tombaga ang nakakuha ng nasabing viral na larawan, at sa kanyang interview sinabi nitong nasa 14 taong gulang at nasa 9 hanggang 10 taon naman ang dalawang batang babae na nasa larawan.
“Yung isa po dun nasa 14 years old, at yung isa dun base sa pagkaka-describe ng kanyang mister ay nasa 9 to 10 years old, hindi po natin sila masisi yun kasi ang tradisyon nila, sa akin nakikita ko yung malaking danger sa buhay ng mga katutubo,” sabi ni Tombaga.
Sa report, dalawang magkaibang kaso ng fixed marriage ang pinakita. Yung isa ay dalawa silang magkapatid ang inasawa ng isang lalake na halos doble ng edad nila ang tanda. Habang ang isa ay 12 anyos pa lang at kasalukuyang nagdadalang-tao. Ito ay lehitimo base na rin sa tradisyong “Duway” ng tribong Palaw’an, kung saan pinapayagang mag-asawa ng mas bata ang mga kababaihan sa nakakatanda na lalake. Ilan din sa mga kabataang babae ito ay tumigil na sa pag-aaral.
Ayon sa isang cultural psychologist hindi puedeng sisihin ang mga kabatang ito dahil na rin sa nakasanayan na itong tradisyon ng tribu.
Maging ang bagong upo na Indigenous People’s Mandatory Representative sa Sangguniang Panlalawigan na si Purita Seguritan ay kumbinsidong hindi ito basta mababago kahit ayon sa batas ay dapat nasa legal na edad na 18 ang tamang pag-aasawa.
“Maaaring sabihin natin ito yung komunidad na ito lang alam nilang batas, ito yung sinusunod nila, ito yung tradisyon, ito yung kultura natin, hindi yan pu-puedeng baguhin, pero pu-puedeng ayusin,” sabi ni Dr. Camille Garcia, Psychologist.
Nakapanayam din ng KMJS si Sen.Hontiveros kung saan bahagi raw ito ng sinusulong nyang “Children Not Brides Bill” na kung maisasabatas ay maaring maparusahan ang mga taong nasa likod o nagpahintulot na mag-asawa ang mga batang wala pang 18 anyos.
“Kung sino man ang mag facilitate o mag officiate ng ganyang child marriage, papatawan ng not less than P40,000 fine, may prison sentence in its maximum period, kailangan maka partner talaga natin yung ganyang local traditional chieftains at local government officials natin, para mag evolve ang tingin sa kasalan, na ito ay isang legal sa pagitan lamang ng dalawang nasa hustong edad,” saad ni Hontiveros.
Ang Barangay Ransang ay kilala bilang may mataas na kaso ng Malaria sa boung bansa, karamihan sa mga katutubong Palaw’an na naninirahan dito ay hindi marunong magbasa o magsulat.