Hawak na ng pulisya ang rank 7 most wanted sa Lalawigan ng Palawan matapos na maaresto ito kaninang umaga.
Kinilala ang nasabing indibidwal na si Petronillu Bitorin Cacal aka “Petronello Cacal,” 48 taong gulang, may asawa, magsasaka, at residente ng Brgy. Punang, Sofronio Española, Palawan.
Sa impormasyong ibinahagi ng Officer in Charge ng Sofronio Espanola MPS na si PCapt. Roel A. Tattao, dakong 9 am kanina nang arestuhin ang suspek ng pinagsanib na pwersa ng mga tauhan ng Sofronio Espanola MPS, PALPIU South Tracker Team, Rizal MPS, intelligence personnel ng 1st PPMFC at 2nd PPMFC sa bisa ng Order of Arrest na ibinaba noong September 22, 2020 ni RTC Branch 95 Presiding Judge Paul B. Jagmis, Jr. dahil sa kasong murder.
Wala namang inirekomendang piyansa ang korte para sa pansamantalang kalayaan ng suspek.
Sa kasalukuyan ay nasa kustodiya na ng Sofronio Espanola MPS ang nadakip na indibidwal at nakatakdang ipresenta sa korte para sa tamang disposisyon.