Desidido ang pambato ng Palawan na si Samantha Bernardo sa Binibining Pilipinas na maiuwi ang korona sa kaniyang ikatlong beses na pagsali. Aniya, marami na siyang pinagdaanan kaya sapat na umano ito para maging matatag.
Sa panayam nito sa PEP Live Extra, ibinahagi ni Bernardo ang kaniyang mga realization at naniniwala siyang kaloob ng Diyos ang kaniyang mga natamasa bilang second runner-up sa magkasunod na taon na pagsali sa prestiyosong beauty pageant ng bansa.
“Ito na ‘yung most preferred moment ko. Why? It’s because in my journey for 3 consecutive years, and especially now with COVID-19 pandemic, ang dami kong realization, not only for pageantry but also for myself, and I think parang talagang gino-groom talaga ako ni Lord for something better. And you know what? At the end of the day, I don’t validate myself winning the crown; but at the end of the day also, I want to win that crown… but I’m already fulfilled as a person because coming in the pageant, I really just want to make a difference and I feel like now I’m doing it in my way, with or without the crown,” sabi pa ni Bernardo.
Ayon pa sa 26-taong-gulang na beauty queen, base sa dalawang beses niyang pagsubok na masungkit ang anumang korona sa Bb. Pilipinas, marami siyang natutunan. At sa ikatlong pagkakataon niyang pagsali ay aminado siyang mas may pressure, pero mas handa na raw siya ngayon at alam na niya kung paano harapin ang anumang pagsubok.
“Feeling ko, laging hindi talaga para sa akin, and last year I know and I admit talagang wala yung right mindset ko on the coronation night because may sakit kasi ako noon. Kaya na-bash din ako noon dahil super pula ng mukha ko dahil super sama ng pakiramdam ko. Pero it’s not the reason for that ‘di ba, na natalo ako o whatsoever. Hindi lang talaga siya para sa akin,” lahad pa ni Samantha.
Kahit may pandemya, pinagmalaki ni Sam na tuloy ang kaniyang adbokasiya bilang Malaria Free Philippines Spokesperson. Bagama’t hindi nagpatuloy ang nasimulan niyang Salinlahi Dance for a cause nitong Nobyembre ay nakagawa naman siya ng paraan para makahanap ng tulong para sa mga malaria volunteer sa lalawigan.
“90% actually ng malaria cases all over the Philippines came from Palawan, kaya this is something close to my heart, and also, kaya in-appoint ako with the help of Kilusan Ligtas Malaria and DOH,” sambit pa ni Bernardo.
Inamin ni Bernardo na in a relationship siya ngayon, bagama’t wala itong binigay na detalye kung sino ang kaniyang boyfriend. Sinabi rin niyang nakatanggap na siya ng mga offer na maging artista o pasukin ang mundo ng showbiz, pero hindi pa siya handa sa ngayon na mag-artista.
“May mga nag-offer na rin sa akin, pero parang hindi ko pa kaya yung taping. Siguro nagkakataon lang na I have things to do other than that, but maybe after pageant, let’s see who knows. Di ko naman kino-close yung door ko, ako naman risk-taker talaga, very passionate sa ginagawa ko, and as long as I know magbe-benefit siya for me and talagang I’m also in that industry na, why not give it a try?” dagdag ni Bernardo.
Bagama’t wala pang anunsiyo ang Binibining Pilipinas sa petsa ng magiging coronation, patuloy pa rin ang kaniyang paghahanda para dito tulad ng kaniyang National Costume na dinisenyo ng kilalang fashion designer na si Patrick Isorena. Aniya, it’s all about Palawan ang design nito na malamang ipapakita na niya sa mga susunod na araw.
Maliban sa pagiging kandidata ng Bb. Pilipinas, sinabi rin ni Sam na abala siya sa ngayon bilang financial advisor at naglunsad na rin siya ng sariling sleepwear brand na tinatawag na “Dream Queen Apparel”.