Midyear bonus ng PNP matatanggap na sa Mayo 17

PNP file photo

Mahigit 222,000 na tauhan ng PNP ang makakatanggap na ng midyear bonus sa Mayo 17 ito ang Inanunsyo ni Philippine National Police Officer in Charge PLt. General Vicente Danao Jr. na na-release na ang 7.3 bilyong pisong alokasyon para sa mga PNP.

PNP Base Pay

Ayon kay Danao, ang naturang halaga ay mula sa regular na appropriation ng budget ng PNP para sa taong ito.

Bagamat nilinaw naman ni Danao na hindi kasama sa mabibigyan ng bonus ang mga tauhan nila na nahatulan ng “guilty” sa administratibo o kriminal na kaso sa loob ng fiscal year 2022.

Ang midyear bonus ay  katumbas ng isang buwan na “basic pay” at matatanggap sa kanilang Landbank ATM Payroll.

Alinsunod sa Tax Reform Accelaration and Inclusion o (TRAIN) law, ang anumang bonus na higit sa P90,000 ay papatawan ng withholding tax.

Exit mobile version