Matagumpay na naisagawa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at United States Indo-Pacific Command (USINDOPACOM) ang unang Maritime Cooperative Activity (MCA) ng taong 2025 sa West Philippine Sea, Palawan noong Enero 17-18.
Kabilang sa mga kagamitan ng Pilipinas na ginamit sa aktibidad ay ang BRP Antonio Luna (FF151), BRP Andres Bonifacio (PS17), dalawang FA50 fighter aircraft, at mga Search and Rescue (SAR) assets ng Philippine Air Force.
Sa panig naman ng Estados Unidos, lumahok ang USS Carl Vinson Carrier Strike Group (VIN CSG), USS Princeton (CG59), USS Sterett (DDG104), isang MH-60 Seahawk helicopter, isang V-22 Osprey helicopter, at dalawang F-18 Hornet aircraft.
Noong Enero 17, isinagawa ng dalawang panig ang Communications Check Exercise (COMMEX), Division Tactics / Officer of the Watch (DIVTACS/OOW) maneuver, at Photo Exercise (PHOTOEX). Sinundan ito ng Dissimilar Aircraft Combat Training (DACT) noong Enero 18.