Motorista, nahulog sa kanal sa San Jose

Agad na rumesponde ang Anti-Crime Task Force sa Barangay San Jose Puerto Princesa kagabi matapos makatanggap ng tawag mula sa 911.

Sa report ng ACTF, ganap na 11:45 PM, ika-3 ng Abril nang mangyari ang insidente. Ayon kay Jared Trinidad 21 anyos, nakasalubong niya ang biktima na si John Bryan Jimenez, 26 anyos, na mabilis na nagmamaneho ng motor dahilan upang mahulog partikular sa isang kanal sa Saint Merry sa nasabing Barangay.

Ang biktima ay muntik nang malunod dahil sa umano’y malalim ang kanal. Sa tulong ng mga residente ay pinagtulungan na iahon sa kanal ang lalaki.

Dinala na ito kagabi sa pribadong pagamutan para sa paunang lunas.

Exit mobile version