Huli sa kinasang drug buy-bust operation ng City Drug Enforcement Unit (CDEU) at Anti-Crime Task Force ang isang lalaki sa Purok Maligaya, Barangay Sta. Lourdes lungsod ng Puerto Princesa.
Kinilala ang suspek na si Jayk Archedera Salazar, 19 anyos at residente sa nasabing barangay.
Ayon sa ulat ng awtoridad, ika-6 ng Hunyo, nang mahuli sa operasyon ang suspek na nagbenta umano ng marijuana.
Nasamsam sa kanya ang isang pakete ng pinaniniwalaang marijuana na nakabalot sa papel.
Sinampahan na ng kasong paglabag ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 si Salazar.