Ama, tinaga ang dalawang lalaki ng makita sinasaktan ang dalawa nitong anak

 

Nagtamo ng tama sa ibat-ibang parte ng katawan ang isang 34-anyos na lalaki at isang menor de edad matapos tagain noong Biyernes, Marso 17, sa Barangay San Nicolas, Roxas, Palawan

 

Sa ulat ng Palawan Provincial Police Office, 11:30PM noong Biyernes ay pauwi na sana galing fiesta sa Barangay San Nicolas ang dalawang anak ng suspek nang tambangan ng dalawang biktima na parehong nakainum at pinagsusuntok umano ng mga ito ang mga kabataan.

 

Ng marinig daw ng ama na siyang suspek at nakita nito ang kalagayan ng kanyang dalawang anak ay kumuha ito ng bolo o itak at tinaga ang dalawang biktima na kinilalang si Anthony Palatino Nale, 34-anyos, at amg kasama nitong isang menor de edad.

 

Tinamaan sa ulo si Nale habang ang menor de edad ay nagtamo ng tama sa bahaging katawan.

 

Napag-alaman na may alitan ang suspek at biktima kaugnay sa lupa.

 

Agad na tumakas ang suspek matapos gawin ang krimen.

 

Sa ngayon ay kasalukuyang pa rin itong pinaghahanap ng PNP.

Exit mobile version