Angkas ng e-trike, patay sa aksidente sa bayan ng Aborlan

Photo from Palawan Provincial Police Office

Patay ang angkas ng electric tricycle (e-trike) matapos bumangga ang sinasakyan nito sa poste ng ilaw sa Municipal Road malapit sa WPU, Brgy. San Juan, Aborlan, Palawan noong Nobyembre 15, ganap na 8:20 ng gabi.
Kinilala ang nagmamaneho na si Christopher Rosales Sorbeto, 38-anyos, at naninirahan sa Aborlan, habang ang nasawi ay hindi na pinangalanan ng pulisya.
Ayon sa paunang imbestigasyon, bago ang aksidente, nagkaruon umano ng inuman ang drayber at ang kanyang angkas sa tindahan. Inihatid umano nito ang biktima sa kaniyang tahanan.
Nang marating nila ang lugar ng kurbada ay biglang nawalan ng kontrol ang drayber sa kanyang direksyon at bumangga sa poste ng ilaw sa gilid ng kalsada.
Dinala ang mga biktima sa Aborlan Medicare Hospital ng mga rumespondeng kawani ng Rescue 165 at Aborlan DRRMO.
Sa pagsusuri ng doktor ay nakitaan ng bali sa buto sa kanang braso si Christopher, samantalang ang angkas nito ay malubhang napurohan dahilan upang bawian ng buhay.
Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya kaugnayan sa aksidente.
Exit mobile version