Babaeng may kasong robbery at homicide, huli sa Coron, Palawan

Photo courtesy of Police Regional Office MIMAROPA

Nasa kostudiya na ng Coron Municipal Police Station (MPS) ang isang babae na wanted sa batas matapos arestuhin ng pinagsanib pwersa ng Coron MPS; NFW,PN; 23rd MC,MBLT3,3MBDE; RIU4B; PIU, Palawan PPO; 401stB MC, RMFC 4B; 2nd PPMFC; and JTF-Malampaya sa So. Nagkulon Bantid-Bantid, Brgy. Decalachao, Coron, Palawan ganap na 4:45 ng madaling araw ng ika-15 ng Setyembre taong kasalukuyan.

Kinilala ang suspek na si Nene Kalang Batoan a.k.a “Teri/ Karen/Elsa”, finance officer, former Political Instructor/Giyang Pulitika ng KLG North, BVC sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Hon. Judge Ramon Chito R Mendoza of RTC, Branch 45, Brookes Point, Palawan nitong ika-25 ng Setyembre 25 taong 2017 sa kasong Robbery at Homicide.

Walang inilaang pyansa ang korte sa kaso ni Batoan kaya’t mananatili ito sa loob ng bilangguan ng Palawan Provincial Jail.

Exit mobile version