Inaresto ng mga awtoridad ang isang lalaki dahil sa ilegal na mga baril na hawak nito sa Sitio Mantole, Purok Ilang Ilang, Bgy. Capayas, Dumaran, Palawan pasado 5:53 ng umaga noong Mayo 11.
Batay sa ulat ng Palawan Police Provincial Office, agad na nagtungo ang mga tauhan ng PALPPO PIU at Dumaran MPS kasama ang mga tauhan ng 2nd PPMFC, 401st B MC RMFB, RSOG 4B, bitbit ang search warrant para sa paglabag sa RA 10591 na inisyu noong Mayo 6, 2024 ni Anna Leah Y Tiongson-Mendoza, Tagapagpaganap na Hukom ng Ika-4 na Hudisyal na Rehiyon, Roxas, Palawan.
Sa panahon ng pagpapatupad, ang team ay nakapag-rekober at nakapag-kumpiska ng isang (1) unit ng improvised/homemade 12 gauge shotgun at limang (5) piraso ng 12 gauge live ammunition, Isa (1) unit homemade pistol cal. 45 at isa (1) piraso ng cal. 45 live ammunition sa pag-aari, kontrol, at pangangalaga ni Alias Roy, isang residente ng Brgy. Capayas, Dumaran, Palawan.
Ang suspek at kumpiskadong mga kagamitan ay nasa pangangalaga ng Dumaran MPS para sa tamang disposisyon.
Discussion about this post