Kalaboso sa kulungan ang dalawang lalaki sa bayan ng Roxas na nagtangkang pumatay.
Kinilala ang mga suspek na sina Arnold Anoras Aiso, 46-anyos at Arwin Moreno Aiso, 20, pawang residente sa Barangay Minara, Roxas Palawan.
Ayon sa ulat ng Palawan Provincial Police Office, ang dalawang suspek ay may warrant of arrest na pirmado ni Judge Paul Bataculin Jagmis Jr., of RTC, Branch 95, Roxas Palawan. Nitong Marso 4,2022, sa kasong tangkang pagpatay o Attempted Murder.
Kaugnay niyan, kinakailangan makapagpiyansa sa kaso ang dalawa para sa kanilang pansamantalang kalayaan.