Dalawang wanted persons, arestado sa Palawan

 

Arestado ang dalawang lalaki ng mga awtoridad sa lalawigan ng Palawan.

 

Inaresto ang wanted person na kinilalang si  Noli Dayanan, 42-anyos, residente sa Barangay 1, bayan ng Roxas, Palawan nitong Martes, Marso 28.

 

Ang suspek mayroong warrant of arrest sa kasong paglabag ng R.A 9165 o “Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002,” na walang inirerekomendang piyansa.

 

Samantala, sa Barangay Bancal, Cuyo, Palawan naman ay naaresto din kahapon ang lalaking wanted din sa batas  na kinilalang si Teofisto Torres, 33-anyos, at residente sa Barangay Bancal.

 

Ang suspek ay mayroon din warrant of arrest sa kasong Frustrated Murder sa paggamit ng  Illegally Possessed o Loose Firearms sa ilalim ng Section 29 ng R.A No.10591.

 

Wala ring piyansa na inilaan ang korte.

 

Mananatiling nasa piitan ang dalawa para sa tamang disposisyon.

Exit mobile version