HVI sa San Vicente, arestado sa buy-bust op

Isang high value individual (HVI) ng Bayan ng San Vicente ang napasakamay ng mga awtoridad sa ikinasang Anti-Illegal Drugs Operation Biyernes ng hapon, April 9, 2021.

Kinilala ang suspek na si Danilo Sumagaysay “Punggak” Dumilom Jr., 33 taong gulang, single, boat operator, at residente ng Brgy. Port Barton, San Vicente, Palawan.

Nakuha naman mula sa pag-iingat ng suspek ang isang maliit na Green transparent box, dalawang pakete na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu at buy-bust money.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Sections 5, at 11 ng Art. II ng RA 9165 o ang “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.”

Samantala, ang joint operation ay ikinasa ng Regional Drug Enforcement Unit (RDEU)/RSCG-MIMAROPA, San Vicente MPS, Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU)-Palawan Provincial Police Office, at PDEA-Palawan Provincial Office.

Exit mobile version