Isa sa tatlong suspek nang pagnanakaw sa karinderya sa San Jose, timbog

Himas-rehas ang isa sa tatlong suspek nang pagnanakaw at pagpatay sa isang karinderya sa Barangay San Jose kamakailan matapos maaresto ng mga awtoridad nitong Oktubre 24, ganap na 2:30 ng hapon sa Barangay Sandoval, bayan ng Bataraza.
Kinilala ang suspek na si Alem Vetin Inngos, 25-anyos, at residente sa Brgy. Aramaywan, Narra, Palawan.
Naaresto si Inngos sa pamamagitan nang pinagsanib na puwersa mula sa CIU PPCPO at PPCPO Tracker Team kasama ang tauhan mula sa PS1-PPCPO, Palawan CIDG PFU, at Bataraza MPS sa isang operasyon sa Brgy. Sandoval sa nasabing bayan.
Pinagtibay naman ito ni Judge Jose Bayani J. Usman, Presiding Judge ng Fourth Judicial Region, RTC Branch 50 sa lungsod at walang inirekomendang piyansa laban sa suspek sa krimeng Robbery with Homicide.
Kasalukoyan ng nasa tanggapan ng PNP si Inngos at ihaharap sa korte para sa tamang disposisyon.
Matatandaan na nauna nang naaresto ang isa pang suspek na may kaugnayan din sa pangho-hold-up sa isang kainan sa Barangay San Jose. Isa na lamang umano ang pinaghahanap ayon sa PNP.
Exit mobile version