Lalaki, natagpuang patay sa Brooke’s Point, Palawan

Patuloy ang imbestigasyon ng Brooke’s Point Municipal Police Station, sa isang lalaki natagpuan patay sa Sitio Jurasan, Barangay Saraza, bayan ng Brooke’s Point Palawan nitong Mayo 26, ganap na 7:48 ng umaga.
Nakatanggap ng tawag ang PNP mula sa kapitan ng naturang barangay na mayroong natagpuang bangkay sa kanilang lugar.
Base sa imbestigasyon ng awtoridad, ang biktima ay kinilalang si Jojie S. Sulat, 48-anyos, isang construction worker at residente sa nabanggit na lugar.
Nakasuot na kulay violet na t-shirt, maong pants at tsinelas ang biktima, habang may saksak sa iba’t- ibang parte sa kanyang katawan.
Sumailalim na sa post mortem examination ang bangkay para sa karagdagang imbestigasyon ng PNP.
Exit mobile version