Idineklarang dead on arrival sa pagamutan ang isang lalaki matapos na pagsasaksakin sa Barangay Poblacion, Taytay, Palawan, pasado 1AM ng madaling araw noong Linggo, Abril 16.
Kinilala ang biktima na si Joel Lice Alvilliar, 22-anyos at residente ng Barangay Poblacion, Taytay, habang hindi pa tukoy ang pagkakakilanlan ng suspek/s.
Ayon sa initial na imbestigasyon ng Taytay PNP, naglalakad ang biktima malapit sa circumferential road ng mayroon umanong tatlong lalaki na humingi ng tulong sakanya, ngunit, paglapit ng biktima ay bigla na lamang siyang sinuntok at sinaksak ng mga ito.
Matapos gawin ang krimen ay agad na tumakas ang tatlong kalalakihan dala ang patalim, habang ang biktima ay naiwang nag-aagaw buhay.
Patuloy ang manhunt operation na ginagawa ng mga awtoridad mula sa Taytay PNP gayundin ang follow-up investigation para sa pagkakakilanlan at ikadarakip ng mga suspek.