Most wanted naaresto sa cuyo, palawan

Matagumpay na naaresto ng pinagsanib na puwersa ng kapulisan ang isang most wanted person na kinilalang si Alias Mar, 59-anyos, isang magsasaka mula sa Dumaran, Palawan. Siya ay kabilang sa Top 3 Most Wanted sa Rehiyon ng MIMAROPA, Top 1 sa Lalawigan ng Palawan, at Top 1 sa Bayan ng Dumaran.
Ang operasyon ay isinagawa dakong 4:15 ng hapon noong Marso 2, 2025, sa Barangay Pawa, Cuyo, Palawan, sa pangunguna ng Dumaran MPS, katuwang ang Cuyo MPS, PALPIDMU, PALPIU, PALCIT RID 4B, at 2nd PMFC personnel.
Si Alias Mar ay may apat na kasong Statutory Rape by Carnal Knowledge, batay sa warrant of arrest na inilabas noong Pebrero 26, 2025, ni Hon. Emmanuel Quial Artazo ng Family Court, Fourth Judicial Region, Branch 14, Taytay, Palawan. Walang inirekomendang piyansa para sa kanyang mga kaso.
Sa ngayon, nasa kustodiya na ng Cuyo MPS ang suspek at kasalukuyang inaayos ang kanyang transportasyon patungo sa Puerto Princesa City, kung saan siya ihaharap sa korte para sa kaukulang proseso ng batas.
Exit mobile version