Arestado ng Puerto Princesa City Police Station 1, sa pangunguna ni Police Major Alta Xerxes Cabillage, ang suspek sa panghahalay na kinilalang si Alejandre Villeza Gutierrez, 55 anyos, na residente ng Purok Kilos Agad, Barangay San Miguel sa Puerto Princesa.
Ayon sa PS1, pasado 6:50PM noong Abril 4 nang maaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na pirmado ni Judge Jose Bayani Usman ng Branch 50 FC, 4th Judicial Region, Puerto Princesa City, Palawan, nitong Abril 1, 2022, sa kasong Statutory Rape by Sexual Assault, may inilaang piyansa sa kaso ng suspek ang korte sa halagang P80,000 para sa pansamantalang kalayaan.
Ngayong araw ay nakatakdang ipresenta ang nasasakdal sa korte para sa disposisyon.