GCash, nakakatulong umano sa mga Pinoy na makatipid sa gitna ng inflation ayon sa isang financial advocate

Nakakatulong umano ang digital payment platform na GCash sa mga Pilipino na makatipid sa oras at gastos sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin, ayon sa isang financial literacy advocate.

Ayon kay Jonathan L. Ravelas, Senior Adviser ng Reyes Tacandong & Co. at host ng Diskarteng Wais at Bankero Unfiltered, hindi anya payment application lang ang naturang platform bagkus nagbibigay din ito ng mabilis ay secured na pinansyal transaksyon sa mga Pinoy.

Dagdag pa niya, nakatutulong din ang platform na mabawasan ang oras na inilalaan sa mga payment center o sangay ng bangko.

Ipinaliwanag din niya na ang oras na natitipid sa mga transaksyong ito ay maaaring magamit sa trabaho, pamilya o negosyo, na nakatutulong sa pagiging produktibo at sa kalidad ng buhay ng mga gumagamit.

Maliban dito, nagbibigay rin ang GCash ng access sa mga produktong pinansyal gaya ng savings, loans, insurance at investments sa pamamagitan ng mga mobile device.

Ang GCash ay ginagamit sa pagbabayad ng bills, maglipat ng pera, bumili ng mobile load at magbayad sa mga merchant gamit ang smartphone.

Ayon pa kay Ravelas, nakatutulong ang ganitong digital services na mapalawak ang access ng mga Pilipino sa mga serbisyong pinansyal na maaaring mahirap o magastos makuha sa pamamagitan ng tradisyonal na mga institusyon.

Sa huli, sinabi ni Ravelas na maaaring makatulong ang paggamit ng mga digital financial platform sa pagtitipid ng pera at oras habang patuloy na hinaharap ng mga Pilipino ang mga hamon ng tumataas na gastusin.

Exit mobile version