Dalawang katao, huli dahil sa ilegal na mga sigarilyo sa puerto princesa

Huli ang dalawang katao sa pinagsamang operatiba ng CIU at Police Station 2 ng isang buy-bust operation laban sa ilegal na pagbebenta ng mga smuggled na sigarilyo sa
Parking Lot ng isang Mall sa Barangay San Manuel, Puerto Princesa City, noong Setyembre 1, ganap na 5:30 ng hapon.

Kinilala ang dalawa sina, Nel, 38 anyos, residente ng Brgy. Pulot Sur, Española, Palawan.
Ning, 43 anyos, na residente ng Brgy. Pulot Sur, Española, Palawan.
Ang dalawang suspek ay nagbibinta umano ng sigarilyo sa lugar.

Nakumpiska sa kanila ang mga sumusunod:
Isang (1) unit ng Suzuki Espresso na kulay Gray na may plate No. GAU 2523 (ginamit bilang transportasyon), dalawampu’t siyam (29) na kahon ng Berlin na may tinatayang halaga na Php 406,000.00, Isang (1) bundle ng genuine na One thousand pesos boodle money na may (100pcs) one thousand pesos boodle money.
Ang dalawang suspek at ang mga nakumpiskang ebidensya ay dinala sa Police Station 2 para sa dokumentasyon at tamang disposisyon.

Exit mobile version