Dalawang mangingisda, huli sa ilegal na pangingisda sa Culion

Hinuli ang dalawang mangingisda sa Bayan ng Culion ng 2nd Special Operation Unit-Maritime Group dahil sa paggamit ng compressor sa pangingisda.

Ayon sa PNP Maritime, habang nagsasagawa sila ng Seaborne Patrol Operation kasama ang Taytay Special Boat Unit, 2nd SOU-MG nitong Nobyembre 3, tinatayang 10 metro sa bahagi ng Brgy. Galoc, Culion ng mamataan ang isang bangka at natuklasan na gumagamit ng compressor na mahigpit na ipinagbabawal sa pangingisda.

Paglabag sa Palawan Provincial Ordinance 819 S-2005 as amended by Palawan Provincial Ordinance 1643 S-2015, ang dalawang mangingisda maaring pagmultahin.

Samantala ang mga nakumpiskang ebidensya nasa pangangalaga na Taytay SBU.

Exit mobile version