Pinarangalan ng Palawan State University (PalawanSU) ang 17 nakapasa at dalawang topnochers ng Licensure Examination for Architects (ALE) sa ginanap na 1st Pagpupugay sa natatanging Arkitektong Alumni ngayong araw ng Huwebes, Hunyo 26.
Nagsagawa ng isang motorcade, presscon at tribute ang College of Architecture and Design building kasama ang mga archi students, faculty at iba pang alumni.
Ayon sa dalawa, pagiging consistency sa pagre-review ang kanilang naging pumuhunan.
“Consistency talaga, hindi po ako ganun katalino hindi rin kasi ako yung taong buong araw nagre-review matakaw kasi ako sa tulog. Pero gumigising ako ng 5am para lang magbasa. Yung mga method sa review center ko na nire-review. Iniisip ko paano ko madi-disiplina ang sarili. Dasal at tiyaga lang talaga,” ani ni Ar. Magno.
“Consistency din sa pagaaral, consistent rest importante rin , at ang peers kasi sila din yung sumusuporta sayo. Ang lahat tlaga ng ginagawa ay may kaakibat na sakripisyo,” pahayag naman ni Ar. Gabinete.
Ito ang kauna-unahang beses na nagkaroon ng topnotchers ang paaralan sa kursong Bachelor of Science in Architecture kung saan nakapagtala ito ng 100% passing rate.