Hiraya Y Obra at disenyo ng Brgy. Mandaragat, wagi sa Float Parade Competition- Open Category

Nasungkit ng Hiraya Y Obra at Disenyo ng Barangay Mandaragat, Puerto Princesa, ang kampeonato sa isinagawang Float Parade Competition – Open Category na nag-uwi ng P200,000 cash prize nito lang Hunyo 23.

Itinanghal naman na first runner up ang Elitistas Circle of Models ni Thom Favilla na tumanggap ng P150,000 cash habang pumangalawa naman sa pwesto ang Santo Niño Banana Producers Association – San Vicente na tumanggap ng P100,000 cash prize.

Samantala, tumanggap ng tig P50,000 cash bilang consolation prize ang mga barangay ng San Manuel, Bancao-Bancao, Milagrosa, San Pedro, at Bacungan. Napagkalooban din ng consolation prize ang mga kalahok na Teen Goals Foundation, AATOPPPP, Team Pinoy Travel & Tours, Backride Pinas, at Palawan Pawnshop.

Nakabase ang final score ng bawat kalahok sa mga sumusunod na criteria:
Symbolism and Relevance to the Theme: 30%
Design: 30%
Uniqueness and Workmanship: 35%
Panctuality: 5%
Maliban sa Float Parade ay matagumpay rin na naidaos ang Saraotan sa Dalan sa kahabaan ng Rizal Avenue patungong Kapitolyo kung saan apat na munisipyo ang naglaban-laban at sa huli ay nasungkit ng bayan ng Cuyo, Palawan, ang pagkapanalo
Exit mobile version