Inirereklamo ng isang botante na hindi na nagbigay ng kanyang pagkakakilanlan ang umanoy kapabayaan ng ilang Barangay Health Worker sa Poblacion sa Bayan ng Taytay. Hindi raw kasi naibigay ng mas maaga ang COVID-19 Self-Declaration Form.
Ayon sa COMELEC, dapat umano ay maagang ibinibigay sa bawat barangay ang mga nasabing form upang maiwasan ang posibleng pagkakaantala ng botohan. Tatagal daw kasi ang pila kung sa presinto pa lang sasagot ng COVID-19 Self-Declaration Form ang mga botante.
Samantala, nabigyan naman ang botanteng nagrereklamo ng declaration form ng isang medical personnel na nagbabantay malapit sa entrance ng Julio Arzaga Elementary School sa Poblacion ng bayan ng Taytay.