Lalaking most wanted sa batas, arestado sa Puerto Princesa

Isang lalaki na itinuturing na most wanted person sa batas ang naaresto ng mga awtoridad bandang 4:15 ng hapon noong Setyembre 2, 2024, sa Barangay Irawan, Puerto Princesa City, Palawan.

Kinilala ang suspek na si alyas James, 49 anyos, isang magsasaka at residente ng Purok 6, Barangay Inagawan-Sub, Puerto Princesa City.

Ang nasabing wanted person ay inaresto ng mga tauhan ng Police Station 2 (lead unit) sa pangunguna ni Police Captain Douglas N. Sabando, ASC, PS2, kasama ang Police Station 3, 401st B MC RMFB, Tracker Team ng Puerto Princesa City Police Office, CIU PPCPO, at CIDG PFU PALAWAN.

Ang pag-aresto ay isinagawa sa bisa ng Warrant of Arrest na inilabas at nilagdaan ni Jocelyn Sundiang-Dilig, Presiding Judge ng RTC, Branch 47, Fourth Judicial Region, Puerto Princesa City, na may petsang Agosto 22, 2024. Ang mga kaso ay kinabibilangan ng:

Sexual Assault sa ilalim ng Article 266-A(2) ng Revised Penal Code (RPC), kaugnay ng Republic Act 7610, na may limang kaso. Ang inirekomendang piyansa bawat kaso ay Php 200,000.00.

Statutory Rape sa ilalim ng Article 266-A paragraph 1(D) ng RPC at R.A. 11648, na may limang kaso. Walang inirekomendang piyansa para sa bawat kaso.
Iba pang gawaing pang-aabuso sa mga bata sa ilalim ng Section 10(A) ng Republic Act No. 7610, na may piyansang Php 80,000.00.
Ang inarestong tao ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Police Station 2 para sa dokumentasyon at ihaharap sa korte na naglabas ng warrant para sa tamang disposisyon.
Exit mobile version