Motorista, putol ang kamay at paa matapos bumangga sa bakal na barandilya sa Narra

Putol ang isang paa at kamay ng isang motorista matapos bumangga sa bakal na barandilya pasado 8PM ng gabi sa National Highway, Barangay Antipuluan, Narra, Palawan noong Sabado, Hunyo 17.
Kinilala ang biktima na si Frederick Cabanillas, 38-anyos, walang asawa, manggagawa, at naninirahan sa Barangay Apo-Aporawan, Aborlan, Palawan.
Ayon sa PNP, mga bandang 8:50 PM, isang concerned citizen ang nag-inform sa hotline ng Narra MPS at nag-ulat na may naganap na aksidente sa nasabing lugar.
Sa imbestigasyon, lumalabas na habang ang nabanggit na motorista ay naglalakbay sa National Highway mula timog patungong hilaga ay nabangga ng driver ang kanang bahagi ng bakal na barandilya ng daan.
Bukod sa pagkakaputol ng isang paa at kamay ay nagkaroon rin ng sugat ang driver sa iba’t-ibang bahagi ng katawan. Agad naman siyang dinala ng mga tauhan ng MDRRMO sa Narra Municipal Hospital para sa atensiyong medikal.
Exit mobile version