Paghingi sa Red Cross ng sub-offices sa tatlong distrito ng lalawigan, aprobado na

Photo Credits to PRC & PIO Palawan

Aprobado na sa una at huling pagbasa ng ika-44 Sangguniang Panlalawigan ang resolusyon na humihiling sa pamunuan ng Philippine Red Cross (PRC) Palawan Chapter, sa pamamagitan ni OIC- Chapter Administrator Agnes Melinda T. Beronio, na makapagtatag ng sub-offices sa tatlong distrito sa lalawigan ng Palawan.

Ang Proposed Resolution No. 167-22 na inakda ni Board Member Rafael V. Ortega, Jr. na may titulong, “Earnestly requesting the management of Philippine Red Cross (PRC)- Palawan Chapter, through its OIC- Chapter Administrator Ms. Agnes Melinda T. Beronio, RMT, for the establishment of extension offices in every legislative district of Palawan for the purpose of expanding and bringing closer the agencies services being provided in strategic locations of every legislative district in the province of Palawan,” ay sinang-ayunan ng sanggunian.

Ayon kay SB Ortega, ito ay upang mailapit ang serbisyo ng Red Cross sa mga mamamayan sa iba’t ibang munisipyo ng Palawan. Ang ganitong serbisyo umano ay nararapat lamang na ipinagkakaloob ng pamahalaan upang hindi mahirapan ang mga Palaweño sakaling mangailangan ng dugo.

“Kapag may nangangailangan ng dugo, natataranta, ang hirap maghanap, kinakailangan maghanap ka muna ng donor mo, papalitan, bibilhin mo, samantalang kung pupwede naman ‘yong mga ahensiya ng pamahalaan, may mga bloodletting tayo, may mga blood donation activity na pwede gawin para kung sino ang mangailangan mayroon kaagad diyan dahil dapat yan pinoprovide ng gobyerno, hindi yan dapat hinahanap ng mga tao. Tayo mismo sa gobyerno ang dapat na nagpoprovide niyan,” saad ni BM Ortega.

Dagdag pa nito, ang ganitong serbisyo ay upang hindi na mahirapan ang mga mamamayang Palaweño lalo kung ito ay nangangailangan ng dugo. Matatandaan may naunang naipasa ang kalihim sa Sangguniang Panlalawigan sa nakalipas na regular na sesyon.

Kasama sina Board Members Marivic H. Roxas at Juan Antonio E. Alvarez bilang co-authors na hinihiling na magtayo ng blood banks/stations sa mga ospital na  Pamahalaang Panlalawigan at hindi imposible na malaki ang maitutulong sa pagkakaroon ng Substation ang Philippine Red Cross Chapter sa lalawigan.

Ayon pa kay SB, mayroon din siyang resolusyon na humihiling sa pamahalaang panlalawigan na magkaroon ng blood bank sa PGP hospital.

“Noong nakaraang sesyon, mayroon din akong resolusyon asking the Provincial Government to establish blood banks doon sa mga PGP hospitals na pwede na at compliant na sila sa requirement at capable na silang magkaroon ng blood banks. Nakita ko kasi ang necessity na kailangang magkaroon ng blood banks, alam mo naman ang dugo ay buhay,” dagdag pa ni SB.

Exit mobile version