Isang babala sa mga magulang: Limitahan ang paggamit ng gadget ng inyong mga anak.
Isang insidente ang gumulat sa maraming magulang matapos magtamo ng seryosong kondisyon ang isang batang lalaki mula sa sobrang paggamit ng gadgets. Ang bata, si Jhoder Jr. Esteron, ay nagkasakit at nadala sa ospital dahil sa pagdurugo ng mata na dulot ng sobrang exposure sa radiation ng gadgets.
Ayon sa ina ni Jhoder, nagsimula ang lahat nang magkasakit ang bata at magpakonsulta sila sa doktor. Napag-alaman sa pagsusuri na mayroong irritation sa layer ng kanyang mata, na siyang naging sanhi ng pagdurugo. Paliwanag ng doktor, ang sobrang paggamit ng gadgets ay maaaring magdulot ng epekto sa daloy ng kuryente sa mata, na nagiging dahilan ng hindi normal na paggana nito.
Sa kasalukuyan, sumasailalim sa medication ang bata upang mapigilan ang paglala ng kondisyon. Wala namang matinding resulta sa mga pagsusuri, ngunit may ibinigay na mga gamot ang doktor upang maibsan ang sintomas at mapanatili ang kalusugan ng kanyang mata.
Mga babala ng Doktor, upang maiwasan ang ganitong sitwasyon, pinaalalahanan ang mga magulang na limitahan ang paggamit ng gadgets sa kanilang mga anak. Narito ang ilang mahahalagang paalala:
Iwasang matulog katabi ang cellphone, lalo na kung ito’y naka-charge.
Siguraduhing nakakakain sa tamang oras ang mga bata.
Huwag hayaang mapagod nang sobra ang mga bata.
Bigyang halaga ang sapat na tulog at iwasan ang pagpupuyat.
Ayon sa eksperto, ang radiation mula sa mga gadgets ay maaaring magdulot ng masamang epekto sa kalusugan, lalo na sa mga bata na may mas sensitibong katawan.
Samantala ang pamilya ni Jhoder ay nananawagan ng suporta at dasal para sa mabilisang paggaling ng bata. “Nawa’y magsilbing paalala ito sa lahat ng magulang na limitahan ang paggamit ng gadgets ng kanilang mga anak. Kalusugan muna bago ang kahit ano pa man,” ani ng ina ng bata.
Ang ganitong insidente ay isang mahalagang paalala na ang tamang paggabay sa paggamit ng teknolohiya ay dapat bigyang-pansin upang masiguro ang kalusugan at kapakanan ng mga bata.
Discussion about this post