Sa tradisyunal na New Year’s Courtesy Call noong Enero 7, 2025, si PCOL Joel Dalisay Casupañan, Officer-in-Charge ng Palawan Police Provincial Office (PPO), kasama ang provincial staff, mga Chiefs of Police, at Force Commanders, ay opisyal na dumalaw kay Gob. Victorino Dennis M. Socrates sa Provincial Capitol.
Layunin ng makasaysayang pagbisita ang pagtibayin ang ugnayan ng Palawan PPO at ng pamahalaang panlalawigan sa pagsusulong ng kaayusan at seguridad para sa patuloy na pag-unlad ng Palawan bilang huling ecological frontier ng bansa.
Binigyang-diin ni Gob. Socrates sa kanyang mensahe ang kahalagahan ng pagiging maka-Diyos at matuwid ng mga pampublikong opisyal at kawani: “Paglago sa pagiging kaisa ng Diyos para sa kabutihang panlahat,” kanyang binigyang diin.
Ang taunang New Year’s Call ay nagsisilbing paraan ng pagpapakita ng respeto at pagkilala ng mga miyembro ng PNP sa kanilang mga tagapamahala at lider sa kani-kanilang mga hurisdiksyon. Isa rin itong pagpapakita ng pagkakaisa at pagpapahalaga sa kapayapaan at seguridad ng komunidad.
Ang nasabing gawain ay naging patunay ng patuloy na pagtutulungan para sa mas maayos, ligtas, at maunlad na probinsya ng Palawan.
Discussion about this post