Provincial Legal Officer, itinalaga bilang OIC ng Palawan Provincial Information Office

Itinalaga bilang Officer-In-Charge ng Provincial Information Office (PIO) ng Palawan Provincial Government si kasalukuyang Provincial Legal Officer Attorney Joshua U. Bolusa. Natanggap umano ni Atty. Bolusa ang letter of appointment noong Biyernes, Hulyo 11.

Ayon kay Atty. Bolusa, kasalukuyan pang inaayos ang sistema ng PIO at maging ang proseso nang pagbibigay ng opisyal na pahayag ng pamahalaang panlalawigan. Inaasahan naman na magiging transparent at engaging umano paglalabas ng mga pahayag mula sa PIO.

Sa kabilang banda, itinalaga naman bilang Spokesperson ni Governor Alvarez si Attorney Queen Harra Sheigila Pantanosas. Magiging tagapagsalita ni Gov. Alvarez si Atty. Pantanosas sa mga panayam at mga isyung kinakailangan ang sagot ni Gov. Alvarez.

Nakipagpulong ang dalawang opisyal sa mga lokal na media ngayong araw ng Lunes, Hulyo 14, upang ipagbigay-alam ang pagkakatalaga at ilang mga mga prosesong kakaharapin sa pangangalap ng impormasyon sa ilang ahensya ng pamahalaang panlalawigan.
Exit mobile version