Serbisyo Caravan, inihatid ng PTF-ELCAC sa barangay Tanatanaon, Dumaran

Nagsagawa kahapon ng Serbisyo Caravan ang mga cluster na bumubuo ng Palawan Provincial Task Force to End Local Communist Armed Conflict (PTF-ELCAC) sa Brgy. Tanatanaon, Dumaran, Palawan.

Ilan sa mga pangunahing serbisyong ibinigay sa mga mamamayan ay dental, medical, veterinary, legal, pamamahagi ng food packs, pagbigay ng senior citizens at PWDs local pension, pagpapatala sa mga bagong silang na sanggol at basic bread making training. Layon umano ng nasabing programa na mailapit sa mga mamamayan, lalong-lalo na sa mga malalayong sulok ng munisipyo, ang mga serbisyong ibinibigay ng mga ahensiya ng gobyerno.

Image captured by Diana Ross Medrina Cetenta

Sa welcome message ay lubos na nagpasalamat si Kapt. Allen Samson sa pagkakapili sa kanilang barangay na aniya’y lagi na lamang hindi napapansin at tinawag pa niyang “Barangay sa Kagubatan.”

Samantala, ang iba’t ibang cluster ng PTF-ELCAC ay ang Basic Services Cluster; Peace Law Enforcement and Development Support (PLEDS) Cluster; E-Clip and Amnesty Program Cluster; Infrastructure and Resource Management Cluster; Sectoral Unification, Capacity Building, and Mobilization Building Cluster; Situational Awareness and and Knowledge Management Cluster; Local Government Empowerment Cluster; Localized Peace Engagement Cluster; International Engagement Cluster; Poverty Reduction, Livelihood and Employment; Legal Cooperation Cluster, at Strategic Communication.

Exit mobile version